MANILA, Philippines – Magtatangka ang University of the Philippines na maipagpatuloy ang kanilang pag-angat sa pakikipagtuos nila sa nagdedepensang National University para sa tiket sa Final Four sa 2016 Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Buhat sa paggapi sa Ateneo Lady Eagles, 25-18, 14-25, 25-20, 25-18, ay pinalakas ng Lady Maroons ang ka-nilang kampanya para makausad sa semifinals.
Makaraang magwagi sa Ateneo ay pinagpahi-nga ni UP coach Jerry Yee ang kanyang mga players para makabawi ng lakas para sa susunod nilang laro.
“We don’t know if we’re still going to have to practice but definitely we’ll have a meeting,” sabi ni Yee matapos ang panalo sa Ateneo na nag-akay sa kanila sa ikatlong puwesto kasunod ng Lady Bulldogs at Far Eastern University Lady Tamaraws na kapwa may markang 3-1.
Magtutuos ang UP at NU ngayong alas-4 ng hapon na susundan ng tapatan ng sibak nang University of Santo Tomas at Ateneo sa alas-6 ng gabi.
Magbubuhat naman ang Lady Bulldogs sa panalo kontra sa dating undefeated na Lady Ta-maraws noong Miyer-kules.
Kagaya ng mga nauna nilang laro, muling sasandigan ni Yee upang mamuno sa UP sina Isa Molde, Katherine Bersola, Marian Buitre, Diana Carlos, Justine Do-rog at Nicole Tiamzon.
Sa kabilang dako, tiyak namang aasahan ni coach Edjet Mabbayad para pangunahan ang Lady Bulldogs sina Ja-ja Santiago, Aiko Urdas, Risa Sato, Jorelle Singh, Roma Doromal, Kathryn Paran at sa league’s leading setter na si Jasmine Nabor.
Kailangan naman ng Lady Eagles na ipanalo ang huling dalawang la-ro para makapuwersa ng playoff. FMLumba