Panlilio pormal na iluluklok bilang SBP chief

MANILA, Philippines – Inaasahang hihira­ngin si Al Panlilio bilang bagong pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa idaraos na national congress at election of officers ng cage federation ngayon sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.

Kabuuang 13 board seats ang pupunan sa congress kasunod ang pag­pupulong ng 25-man board para sa botohan ng mga bagong SBP of­fi­cers.

Kung sakali ay si Pan­lilio ang papalit kay Manny V. Pangilinan bilang bagong presidente ng national basketball fe­deration.

Ang 48 cage leagues sa buong bansa ang bumubuo sa national cage federation.

Si Panlilio, ang Me­ralco Bolts representative sa PBA board, ay isang SBP board member na kumakatawan sa pro sector kasama si­na PBA commissioner Chi­to Narvasa, chairman Robert Non at vice chairman Erick Arejola.

Show comments