CLEVELAND – Nalimitahan si Golden State Warriors superstar Stephen Curry sa average na 16 points per game ng Cleveland Cavaliers sa kanilang NBA Finals series.
Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na kailangang tulungan ng ibang players si Curry.
“We can definitely help Steph out and we will,” wika ni Kerr. “We can put him in better position. ... The coaching staff has to figure out the best lineups and the best looks. Players have to perform. It’s on all of us to be better.”
Tinulungan ni Curry, ang unang unanimous MVP selection, ang Golden State sa pagpoposte ng NBA-record na 73 regular-season wins.
At sa Game 4 ay dapat siyang makakuha ng solidong suporta mula sa iba pang Warriors.
Naglista si Curry ng average na 30 points per game sa regular season, ngunit bumagsak sa 16.0 per game sa NBA Finals.
Naimintis niya sa Game 1 ang mga tirang ordinaryo lamang niyang naikokonekta, nalagay siya sa foul trouble sa Game 2 at nahirapan sa depensa ng Cleveland sa Game 3.
Tangan pa rin ng Warriors ang 2-1 abante sa kanilang serye ng Cavaliers kaya hindi pa ito panahon para mangamba ang Golden State.
“Last night was a struggle,” sabi ni Curry. “Just, again, foul trouble and kind of dealing with that, but also not being as aggressive as I needed to be. I don’t know what the reason was for that, and it won’t be that in Game 4.”
Tiniyak ng Cavaliers na mararamdaman ni Curry ang kanilang depensa sa Game 3.
Nang magtangka siyang sumalaksak ay may nakaabang sa kanyang isang Cleveland player na babangga sa kanya at isa si Kyrie Irving sa walang ti-gil na bumantay sa kanya.
“That’s for all of their guys, not just Steph,” ani Cavaliers forward LeBron James. “They do a great job of the ball moving, and when you allow those guys to move with freedom of space, they’re very dangerous. They’re already dangerous enough. So when you allow them to run around and not feel any pressure or any physicality or anything, you know, they’re able to just be even more comfortable.”
Ang 30-point win sa Game 3 ang tila nagpakitang nakontrol na ng Ca-valiers ang serye, ngunit kailangan pa rin nilang manalo ng tatlong beses para makamit ang NBA championship.