^

PM Sports

Karatekas naghahanda na para sa 2017 SEA Games

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Philippine Karatedo Federation ang 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ipinakita nila ito nang kumuha sina Jamie Villegas at Joco Vasquez ng tig-isang gold medal sa nakaraang Vietnam Open karate tournament sa Thanh Hoa, Vietnam.

“This is part of our preparation for the 2017 SEA Games,” wika ni PKF secretary general at coach Raymund Lee Reyes.

Bumandera si Villegas sa kata junior male division, samantalang nanguna si Vasquez sa kata cadet male division sa torneong nilahukan ng 11 bansa.

“Hopefully, ganito rin ang maging performance namin sa Kuala Lumpur SEA Games,” sabi nina Villegas at Vasquez na ginabayan ni foreign coach Ali Parvinfar.

Huling nanalo ang bansa ng gold medal sa SEA Games noong 2013 sa Myanmar mula sa panalo ni Ramon Antonino Franco. Hindi naman isinama ang karate event sa nakaraang edisyon ng biennial event sa Singapore noong nakaraang taon.

Bukod kina Villegas at Vasquez, nag-uwi rin ang bansa ng tatlong silver at apat na bronze medals sa nasabing five-day event sa Vietnam na nilahukan din ng Malaysia, Thailand, Hong Kong, Japan, Korea, Indonesia, Macau at Laos.

Sina Cris Kawaen (kata junior male), OJ Delos Santos (kata senior) at Randy Padua Jr (kumite junior +78 kg) ang pumitas ng tatlong silver habang ang tatlong bronze medal ay nagmula kina Leigh Cuadra (kata female junior at kumite female junior), Angel Aguilar (female junior kumite -53 kg) at Andrei Dela Cruz (kumite cadet).

Nakatakdang magtungo ang mga karatekas sa Turkey para sa isang training camp kasunod ang paglahok sa Korea Open bilang paghahanda sa 2017 Kuala Lumpur SEA Games.

SALOME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with