INDEPENDENCE, Ohio – Kung hindi ka-yang pigilin ng Cleveland Cavaliers si Stephen Curry ay maaari nilang pabagalin ang pagkamada ng NBA MVP.
Sinabi ni LeBron James na kapag nagsimulang kumonekta sina Curry at Klay Thompson ng mga 3-pointers mula sa 30 feet, lumusot ang mga contested jumpers laban sa kanilang matatangkad na players at masira ang kanilang depensa, ang tangi nilang magagawa ay magdasal na magmintis ang mga tira ng Warriors.
“Some of those shots,” ani James. “There’s nothing you can do about it.”
Sa paghahanda ng Cavaliers laban sa Warriors na may record na 73-win, alam nila na ang tanging paraan para matapos ang 52-taong pagkauhaw sa titulo ay pigilan sina Curry at Thompson.
Ngunit imposibleng maawat ang Warriors.
“They shoot the ball extremely well,” wika ni James bago bumiyahe ang Cavaliers sa California para sa Game 1 nitong Huwebes. “Klay and Steph are probably the two greatest shooters that we’ve probably ever seen. Better offense beats great defense any day. So we have to be able to do other things to stop them, but it’s hard to contain them. We all know that. The whole league knows that. Our team knows that. But we have a game plan and we have to follow it and be true to it.”
Hindi inamin ng Cavs sa publiko na gusto nilang maitakda ang kanilang rematch ng Warriors matapos matalo noong nakaraang taon.
Solong nagtrabaho si James sa nasabing NBA Finals dahil hindi nakalaro si Kevin Love bunga ng kanyang left shoulder injury sa first round at nabasag naman ang kaliwang knee cap ni Kyrie Irving sa Game 1 ng finals.
Ginawa ni James ang lahat para sa Cavs matapos magposte ng mga ave-rages na 35.8 points, 13.3 rebounds at 8.8 assists.
Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para pigilin ang paghahari ng Warriors.
Bagama’t gusto ng mga fans, league office at TV executives ang Curry-James rematch, sinabi ng Cavs na handa silang labanan kahit sino.
“It didn’t matter,” ani James. “Like Coach (Tyronn) Lue said, we’re just waiting on the winner. We’re fortunate to be here and we look forward to the challenge.”