^

PM Sports

Balik-aksiyon na si Jimmy Butler

Pang-masa

CHICAGO — Nasa line-up na si Bulls star Jimmy Butler laban sa Houston matapos mawala ng 11 games dahil sa napuwersang kaliwang tuhod.

Hindi nakakalaro ang two-time All-Star matapos kumamada ng 19 points sa pagkatalo kontra sa Denver noong Feb. 5.

Magiging starter din si Taj Gibson matapos mawala ng isang laro dahil sa problema sa hamstring at available na rin si Nikola Mirotic sapul noong Jan. 25. Hindi siya nakalaro ng 16 games matapos sumailalim sa appendectomy at isa pang operasyon para ayu-sin ang isang  blood clot.

Sa pagbabalik nina Butler, Gibson at Mirotic, available na lahat ng top players ng Bulls maliban kay Joakim Noah na inaasahang ‘di pa makakalaro sa mga nalalabing playing dates ng season matapos operahan sa kaliwang balikat noong January.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with