^

PM Sports

CafeFrance malinis pa rin

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ipinakita ng CafeFrance na kaya nilang makipagsabayan matapos ipalasap sa UP QRS/JAM Liner ang kanilang unang talo ngayong conference sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena kahapon.

Sa pagtatala ng kanilang ikatlong sunod na panalo, tumabla ang Bakers sa liderato  sa Caida Tile.

“The boys played very well. Na-execute nila yung game plan. We had a very good start and biglang nawala yung laro yung UP. Credit to the

boys talaga,” sabi ni coach Egay Macaraya.

Sa pamamagitan ng 11-0 start,  madaling nakalayo ng husto ang CafeFrance  na lumamang ng hanggang 27-puntos, 74-47,  sa kalagitnaan ng third quarter.

Sa unang laro, nagtala naman ang Tanduay ng 39-point win kontra sa baguhang Mindanao, 95-56 para sa kanilang unang panalo sa 3-laro.

Pinangunahan ni JP Belencion ang panana-lasa sa Rhum Masters sa pagkamada ng 18 points,  habang si Adrian Santos ay may 14 markers at seven rebounds upang ipalasap sa Mindanao ang kanilang ikatlong sunod na talo bilang kulelat ng torneo.

Pinangunahan ni Carl Bryan Cruz ang CafeFrance sa kanyang 15 points habang si Rod Ebondo ay may double-double sa kanyang 14 markers at 12 rebounds.

ADRIAN SANTOS

ANG

CAIDA TILE

CARL BRYAN CRUZ

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

EGAY MACARAYA

MINDANAO

PINANGUNAHAN

RHUM MASTERS

ROD EBONDO

YNARES SPORTS ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with