UP, UST at NU humataw ng panalo sa women’s softball

MANILA, Philippines – Kapwa nagposte ng mga panalo ang Lady Ma­roons, Tigresses at La­dy Bulldogs sa pagsisi­mula ng UAAP Season 78 women’s softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Umasa ang University of the Philippines sa ma­tinding pitching ni Co­chise Bernabe para talu­nin ang Ateneo, 11-0.

Anim na batters ng La­dy Eagles ang sinibak ni Bernabe para ibigay sa Lady Maroons, ang 2015 runner-up, ang panalo.

Pinabagsak naman ng University of Santo Tomas, sa pangunguna ni pit­cher Mary Ann Antolihao, ang University of the East, 4-0, habang giniba ng National University ang De La Salle, 10-2.

Bubuksan naman ng Adamson University, nag­lista ng 62-0 record, ang kanilang pagtarget sa ikaanim na sunod na titu­lo sa pagsagupa sa UST bu­kas ng alas-9 ng umaga sa Malate venue.

Samantala, tatargetin ng Ateneo ang korona ng juniors crown sa pakiki­pagharap sa De La Salle-Zobel ngayong alas-9 ng umaga.

Kailangan lamang ng Blue Eaglets na manalo ng isang beses para tulu­yan nang masikwat ang ti­tulo.

Nauna nang pinadapa ng Blue Eaglets ang Junior Archers, 13-8.

 

Show comments