Balikat ni Manny tututukan ni Roach

MANILA, Philippines – Oobserbahan ni coach Freddie Roach ang kanang balikat ni Manny Pacquiao sa pagsisimula ng kanilang training Camp sa Gen. Santos City sa susunod na linggo.

Iginiit ni Pacquiao na magaling na ang ino-perahang kanang balikat  nito ngunit gusto ni Roach na personal itong makita sa kanilang paghahanda para sa laban kontra kay Timothy Bradley sa April 9.

“Me and Manny don’t see each other until we start training camp. He plays basketball every day. He says the shoulder feels great through basketball. I know that’s not boxing,” wika ni Roach sa boxingscene.com report.

Sa isang check-up sa Los Angeles, binigyan ni surgeon Dr. Neal ElAttrache ng ‘go signal’ si Pacquiao para simulan ang lahat ng kanyang physical activities.

Si ElAttrache ang nag-opera sa torn rotator cuff sa kanang balikat ni Pacquiao na kanyang nalasap habang naghahanda sa kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr. noong Mayo.

Muling naramdaman ni Pacquiao ang injury sa fourth round ng kanilang super fight ni Mayweather.

Naniniwala si Roach na naipanalo sana ni Pacquiao ang natu-rang laban kung hindi siya nagkaroon ng right shoulder injury sa training at maging sa fourth round.

Ngayon ay gusto ni Roach tiyakin na walang magiging injury si Pacquiao sa muling pagsagupa kay Bradley.

“I’m curious to see how it is myself in the first week of training,” wika ni Roach. (DM)

Show comments