^

PM Sports

Ronda Pilipinas may pakarera rin para sa publiko

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon sa anim na edisyon ay bubuksan ng LBC Ronda Pi-lipinas na inihahandog ng LBC Express ang kanilang pintuan hindi lamang para sa mga amateur at pro riders kundi pati sa publiko sa paghataw ng labanan sa Mindanao Leg na nakatakda sa Feb. 20-27.

Bukod sa typical road races, criteriums at individual time trials, magdaraos ang Ronda ng isang community ride na tatanggap sa mga cycling enthusiasts para maranasan ang paglahok sa pinakamalaking karera sa bansa.

“Ronda is giving everyone a chance to not just be discovered and represent the country in future international race but also to simply give them a chance to feel the Ronda experience by joining our community ride,” sabi ni Ronda sports development head Moe Chulani.

Maliban sa pagpapakilala sa bagong format at innovations, tampok din ang mountain bike race sa bawat leg sa sixth edition ng Ronda na inihahandog ng LBC at LBC Express katuwang ang Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp. kasama ang minor sponsors na Maynilad at NLEX.

“LBC Sports Dev’t. Corp. feels eve-ryone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” wika ni Chulani.

Samantala, nakipagtambal ang Ronda sa Aliw Broadcasting Corp., nagmamay-ari ng DWIZ-AM at Home Radio 97.9 FM, bilang official radio partner.

Opisyal na magsisimula ang Ronda sa Feb. 20 sa pamamagitan ng road race mula Butuan City kasunod ang criterium sa Feb. 21 at sa Cagayan de Oro sa Feb. 23, isang ITT sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Feb. 25 bago magwakas sa criterium sa Malaybalay sa Feb. 27.

Ang Visayas leg ay kinabibilangan naman ng Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental sa March 11, Stage Two criterium sa Iloilo City sa March 13, Stage Three road race mula sa Ilolilo hanggang Roxas City sa March 15, Stage Four criterium at Stage Five ITT sa Roxas sa March 17.

Tatapusin ang Ronda sa Luzon stages na binubuo ng Stage One criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa April 3, Stage Two ITT mula sa Talisay patu-ngo sa Tagaytay sa April 4, Stage Three criterium sa Antipolo City sa April 6, Stage Four road race galing sa Dagupan hanggang Baguio sa April 8 at Stage Five criterium sa City of Pines.

ALIW BROADCASTING CORP

ANG

CRITERIUM

FEB

RONDA

STAGE

STAGE FIVE

STAGE FOUR

STAGE ONE

STAGE THREE

STAGE TWO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with