Warriors dinurog ang Spurs
OAKLAND, Califorrnia -- Ang inaasahang ma-tinding bakbakan sa pagitan ng dalawang bigating koponan sa NBA ay naging isang ‘one-sided affair’.
Ito ay matapos dominahin ng nagdedepensang Golden State Warriors ang San Antonio Spurs, 120-90 para sa kanilang pang-39 sunod na home game victory.
Winakasan din ng Warriors ang 13-game winning streak ng Spurs.
Kumamada ang Warriors ng 62 points sa first half mula sa kanilang opensa (59 percent shooting) at matibay na depensa.
Nilimitahan ng Warriors ang Tim Duncan-less na Spurs sa 44 percent shooting at nakapuwersa ng 17 first-half turnovers para iposte ang 15-point lead sa halftime.
Matapos umiskor ng 19 points sa ilalim ng 18 minuto sa first half, kumayod ang reigning MVP na si Stephen Curry ng 18 points sa third quarter mula sa kanyang 5-of-9 fieldgoal shooting at 3-of-605 clip sa three-point land.
Tumapos si Curry na may 37 points buhat sa 12- of-20 fieldgoal shooting (6-of-9 sa three-point range) sa loob ng 28 minuto.
Ang nasabing 30-point loss ang pinakamasaklap para sa San Antonio matapos makalasap ng 137-97 kabiguan sa Trail Blazers sa Portland noong Feb. 21, 2012.
Ang panalo ng Warriors ang nagbigay sa kanila ng 21-0 record sa Oracle Arena ngayong season at ika-39 sunod na regular-season home victories.
- Latest