Pacquiao iisa pa naniniwala si Arum
MANILA, Philippines – Sinabi ni legendary promoter Bob Arum na hindi dapat magdalawang-isip si Manny Pacquiao sa muling pakiki-pagharap kay Floyd Mayweather Jr.
Nauna nang inihayag ni Pacquiao na isasabit na niya ang kanyang boxing gloves matapos ang kanilang April 9 showdown ni Timothy Bradley para tutukan ang kanyang pagiging public servant.
Hangad ng two-term congressman ng Sarangani ang isa sa 12 senatorial slots sa eleksyon sa Mayo.
Base sa pinakahuling survey, malaki ang tsansa ni Pacquiao na manalo.
Nirerespeto naman ni Arum ang desisyon ni Pacquiao na magretiro ngunit kung mangyayari ang kanilang rematch ni Mayweather ay dapat huwag magda-lawang-isip ang Filipino fighter.
Ngunit kailangan munang manalo si Pacquiao kay Bradley bago maging totoo ang kanilang ikalawang “Fight of the Century” ni Mayweather.
“If this is a great fight and Floyd comes out of retirement and they want to do a rematch, I don’t care how busy he (Pacquiao) is in the senate. I think he will return,” sabi ni Arum.
“Even if he has to train on the floor of the senate,” dagdag pa ng legendary promoter.
Bago ipahayag ng kanyang planong magretiro ay interesado si Pacquiao na muling labanan si Mayweather kapag siya ay “100 percent” fit.
“As of right now, I don’t have the urge to fight,” wika ni Mayweather kay Brian Kenny ng World Boxing News.
May posibilidad pang muling lumaban si Mayweather, ayon kay Arum.
“That’s why I didn’t want to sell this fight as his last fight. Who knows what Mayweather’s going to do,” wika ni Arum. (AC)
- Latest