Sisimulan na ng SBP ang paghahanda para sa FIBA Olympic Qualifier hosting
MANILA, Philippines – Personal na sasaksihan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios ang gagawing drawing of lots na magdedetermina sa groupings ng 18 teams na maglalaban para sa tatlong tiket sa 2016 Olympic basketball competition sa Rio de Janeiro sa Agosto.
Mangyayari ito sa Geneva sa Martes at nakatakdang umalis ng bansa si Barrios sa Lunes at magbabalik matapos ang tatlong araw para tumulong sa preparasyon ng bansa sa hosting ng isa sa tatlong Olympic qualifying tournament sa Hulyo 4-10.
“Boss MVP (Manny V. Pangilinan) has had a string of text messages after FIBA’s announcement of the three countries chosen to host the qualifying tourneys. The order is to set the meeting for the hosting preparation right away upon my return from Geneva,” sabi kahapon ni Barrios.
Tanging ang mga champion teams sa tatlong qualifying tourneys ang makakapaglaro sa 2016 Rio Games.
Ang FIBA Olympic Qualifying Tournament ay magiging pinakamalaking basketball event na panga-ngasiwaan ng bansa matapos ang 1978 world cham-pionship at ang 2013 FIBA Asia Championship.
“What’s in Boss MVP’s mind is to make the Filipino people happy. He’s kept on asking me ‘masasayahan ba ang mga kababayan natin dito,’” wika pa ni Barrios.
Hindi iniisip ng mga SBP leaders kung saang grupo mailalagay ang Gilas Pilipinas kundi kung paano magiging matagumpay ang pangangasiwa sa naturang cage event.
Inamin ng SBP na mahihirapan ang Gilas Pilipinas na maghari sa Olympic qualifier matapos mabigo sa nakaraang FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
“As they say, the toughest teams we faced in FIBA Asia would be the lowest ranked teams in this event. We have a work cut out for us,” sabi ni Barrios sa Olympic world qualifiers na magtatampok din sa Angola, Canada, Czech Republic, France, Greece, Iran, Italy, Japan, Mexico, New Zealand, Puerto Rico, Senegal, Serbia at Tunisia.
Matapos piliin ang Pilipinas (Manila), Italy (Turin) at Serbia (Belgrade) bilang mga hosts, inimbitahan ng FIBA ang Latvia, Croatia at Turkey para makumpleto ang 18-team OQTs roster.
“I believe the operational part of the hosting is easy for us since we’ve just hosted the FIBA Asia Championship in 2013. Coach Tab Baldwin faces the tough challenge of doing what he can for the Filipino people to be happy (with the game results),” ani Barrios.
- Latest