^

PM Sports

Rockets pinatumba ang Los Angeles Lakers

Pang-masa

LOS ANGELES – Pi­naglaruan lamang ng Houston Rockets ang Los Angeles Lakers sa first half bago ipina­kita kung ano pa ang ka­ni­lang kayang gawin.

Umiskor si James Har­den ng 31 points pa­ra pangunahan ang Rockets sa 112-95 pana­lo laban sa Lakers.

Ito ang ikaanim na pag­kakataon na tinalo ng Rockets ang Lakers sa Staples Center.

“We wanted to bounce back from that loss in the last game,” sabi ni Harden. “We allowed them to score too easy in the first half, but in the third quarter we turned it up. We knew we had to lock in on the defensive end, because we knew we could basi­cally get anything we wan­ted on the offensive end if we got stops.”

Ang Rockets (22-20) ay nagtala ng 18-13 record sa ilalim ni interim coach J.B. Bickerstaff, pumalit kay Kevin Mc­Hale noong Nov. 18.

“I think the attitude and the camaraderie, the togetherness and the fight has been much better overall,” wika ni Bickerstaff. “Time and time again there have been tough situations where we’ve been down in games, but we’ve stuck together and found a way to crawl back and win.”

Humakot naman si Dwight Howard ng 14 points at 15 rebounds para sa kanyang pang-si­yam na sunod na double-double na pinaka­ma­haba niya matapos maglista ng 14-game run noong 2013.

Pinamunuan ni Lou Williams ang Los An­ge­les sa kanyang 20 points, habang may 5 mar­kers si star Kobe Bryant, naglalaro na may sore right Achilles, sa loob ng 24 minuto at dinuplikahan ang kanyang season high na 9 assists bago ipinahinga sa fourth quarter.

“It’s important to try and get out there and play if I can,” sabi ni Bryant. “You always feel terrible for the fans when you can’t get out there and play. So If I can perform, I should.”

Ang 3-pointer ni Har­den na kasama sa 17-4 run sa unang 5:08 mi­nuto ng third quarter ang naglayo sa Rockets sa Lakers sa 77-61.

Sa Oklahoma City, iti­nala ni Russell Westbrook ang kanyang pa­nga­lawang sunod na tri­ple-double para tulu­ngan ang Oklahoma Ci­ty sa 99-74 paggupo sa Miami Heat.

Kumolekta ang ex­plo­sive point guard na si Westbrook ng 13 points, 15 assists at 10 rebounds para sa kanyang pang-limang tri­ple-double sa season at ika-24 sa career.

May 20-4 record ang Thunder kapag nag­tatala si Westbrook ng triple-double at 5-0 ngayong season.

Naglista si Thunder for­ward Kevin Durant ng 24 points at 10 rebounds, habang nag-am­bag si Serge Ibaka ng 19 points kasunod ang 18 ni Dion Waiters.

Nagtuwang sina Durant, Ibaka at Westbrook para ilayo ang Thunder sa 66-50 sa third period at hindi na nilingon ang Heat.

Ang Thunder ang na­ging ikatlong koponan na nakapaglista ng 30 pa­nalo ngayong season.

Binanderahan naman ni Dwyane Wade, hindi naglaro noong Biyernes kontra sa Denver Nuggets dahil sa shoulder soreness, ang Heat sa kan­yang 22 points.

Ipinagdiwang ni Wade ang kanyang ika-34 kaarawan.

Nag-ambag si center Hassan Whiteside ng 14 points, 11 rebounds at 4  blocks para sa Miami.

ACIRC

ANG

ANG ROCKETS

ANG THUNDER

BICKERSTAFF

DENVER NUGGETS

DION WAITERS

DWIGHT HOWARD

POINTS

SHY

WESTBROOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with