Alaska sa Game 1
MANILA, Philippines – Pitong rebounds ang nadakma ni 5-foot-9 Alaska point guard Chris Banchero.
Ito ang ebidensya ng hindi paglalaro ng 6’10 na si June Mar Fajardo na may left knee injury para sa nagdedepensang San Miguel.
Humugot si power forward Vic Manuel ng 14 sa kanyang 24 points sa final canto kung saan nakabangon ang Aces mula sa 12-point deficit para resbakan ang Beermen, 100-91 sa Game One ng 2016 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
“We’re able to string a bunch of stops. We just have some guys who stepped up and made plays,” sabi ni coach Alex Compton.
Dumiretso ang Alaska sa kanilang ikaapat na sunod na panalo, ang tatlo dito ay sa kanilang semifinals showdown ng Globalport sa semis, para pitasin ang 1-0 abante sa best-of-seven championship series nila ng San Miguel.
“Medyo masama ‘yung start namin,” sabi ng 6’4 na si Manuel na naglista ng 10-of-15 fieldgoal shooting. “Sabi ni coach (Compton) i-limit namin ‘yung turnovers sa second half. Maganda naman ang nangyari.”
Napasakamay ng Aces ang 91-88 abante kasunod ang tres ni Cabagnot para itabla ang Beermen sa 91-91 sa huling 1:57 minuto. Nagsalpak si Manuel ng isang jumper na sinundan ng tres ni JVee Casio at offensive putback ni Banchero para itaas ang Alaska laban sa San Miguel sa 98-81 sa natitirang 39.8 segundo. (RC)
- Latest