^

PM Sports

Anthony lumakas sa starting spot sa All-Star

Pang-masa

NEW YORK – Uma­ngat si New York forward Carmelo Anthony sa puwestuhan sa star­ting spot sa pinakahu­ling voting update para sa NBA All-Star Game, ha­bang patuloy na na­ngu­nguna sina Kobe Bryant at Stephen Curry sa overall balloting.

Inungusan ni Anthony si Andre Drummond ng Detroit Pistons para sa ikatlo at huling Eas­tern Conference front-line starting position sa kanyang nakuhang 368,336 votes na mas ma­rami ng 7,029 kum­pa­ra sa Pistons standout.

Ang mga starters sa East at West squads para sa 65th NBA All-Star Game ay ihahayag sa Hu­webes.

Ang All-Star Game ay gagawin sa Pebrero 14 sa Toronto.

Ang mga reserve pla­yers na pinili ng mga NBA coaches ay ibu­bun­­yag sa Enero 28.

Binabanderahan naman ng Los Angeles La­kers play­maker na si Bryant, na­katakdang mag­retiro matapos ang season, ang lahat ng vote-getters sa kanyang 1,533,432 at sasamahan sa Western Conference front-court ni Oklaho­ma City Thunder star forward Kevin Du­rant (774,782) at Golden State Warriors po­wer for­ward Draymond Green (499,947).

ACIRC

ALL-STAR GAME

ANG

ANG ALL-STAR GAME

CARMELO ANTHONY

CITY THUNDER

DETROIT PISTONS

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

KEVIN DU

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with