Westbrook itinala ang pang-23 triple-double para sa Thunder

OKLAHOMA CITY, Philippines – Matapos mapatalsik sa kanilang laro kontra sa Dallas Mavericks no­ong Mi­yerkules ay bumalik si Russell Westbrook sa pamamagitan ng matinding laro.

Ipinoste ng Oklahoma City point guard ang kan­yang ika-23 career triple-double at inihatid ang Thunder sa 113-93 panalo laban sa Minnesota Tim­berwolves.

Nagsalansan si Westbrook ng 12 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-apat na triple-double ngayong season.

Tumipa si Westbrook ng 6-of-10 fieldgoal shooting at mayroon lamang dalawang turnovers ba­go siya tuluyang ipinahinga sa fourth quarter da­hil kontrolado na ng Thunder ang laro.

“verybody’s passing the ball, everybody’s mo­ving the ball around, making the extra pass and getting guys wide-open shots, wide-open dunks,” sa­bi ni Westbrook.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 21 points, habang may 20 si Dion Waiters at 14 si Cameron Payne para sa ikatlong sunod na panalo ng Thunder.

Nalimitahan naman si Karl-Anthony Towns, ang NBA No. 2 rookie scorer na may 15.7 points per game, sa 9 points at 12 rebounds sa panig ng Tim­berwolves, nalasap ang pang-siyam na sunod na kabiguan.

Pinamunuan ni Andrew Wiggins ang Minne­sota sa kanyang 25 points kasunod ang 15 ni Sha­bazz Muhammad at 13 ni Zach LaVine.

Kinuha ng Oklahoma City ang 57-43 bentahe sa halftime patungo sa 75-54 kalamangan sa third quarter.

Sa Denver, kumolekta si center Hassan White­side ng triple double sa kanyang 19 points, 17 rebounds at 11 blocked shots para ibangon ang Mia­mi Heat mula sa  18-point deficit sa first half para balikan ang Nuggets, 98-95.

Kumonekta ni Chris Bosh ng tiebreaking jum­per sa huling 55 segundo at tumapos na may 24 points.

Nag-ambag si Tyler Johnson ng 15 markers mu­la sa bench para sa panalo ng Miami, naglaro na wala si star guard Dwyane Wade na may injury sa dalawang balikat.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakita sa ak­syon si Wade ngayong season dahil sa injury.

Show comments