Puwede pang mag-register sa Best Center clinics

MANILA, Philippines – Patuloy na tinatanggap ang mga bagong registrants para sa tatlong basketball clinics ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center).

Idaraos sa Ateneo courts ang Saturday-only clinics para sa Preparatory Level at Levels 1-5 mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-11:30 ng tanghali.

Ginagawa rin ang clinics, itinataguyod ng Milo, sa Xavier School gym mula ala-1  hanggang alas-4 ng hapon para sa Preparatory Level at Levels 1-3.

Ang Sunday classes ay tuwing ala-1 hanggang alas-4 ng hapon sa Starmall sa Alabang para sa Preparatory Level at Levels 1-3.

 

Show comments