Chief trainer ni Bradley pinag-aaralan si Pacquiao

MANILA, Philippines – Matapos maselyuhan ang ikatlong paghaharap nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. ay ka­agad inumpisahan ni trainer Teddy Atlas ang ang panonood sa naturang fight tapes ng dalawang bok­si­ngero.

Ayon kay Atlas, ang ba­gong chief trainer ni Bradley, pinag-aaralan ni­ya ang nakaraang dalawang laban nina Pacquiao at Bradley.

Kumuha si Bradley ng kontrobersyal na split decision win sa una nilang laban noong 2012, habang nakaganti naman si Pacquiao sa kanilang rematch matapos ang dalawang taon.

“I already looked at it,” sabi ni Atlas sa pana­yam ng ESPN.com para sa ‘trilogy’ nina Bradley at Pacquiao sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada. “I don’t believe in waiting.”

Hinimay ni Atlas ang nasabing unang dalawang laban nina Pacquiao at Brad­ley at naghanap siya ng paraan kung paano ta­talunin si ‘Pacman’.

“When this fight was first discussed, I looked at it and I see what I should see and I see why Pacquiao was able to be ef­fec­tive and why Tim was able to be effective at the times when he was effective,” ani Atlas. (AC)

Show comments