6-foot-10 banger ipaparada ng Mahindra sa Commissioner’s Cup

MANILA, Philippines – Isa na namang higanteng import ang ipaparada ng Mahindra para sa darating na 2016 PBA Commisisoner’s Cup.

Nakatakdang duma­ting sa bansa ngayong araw ang 6-foot-10 na si Augustus Gilchrist ng University of South Flo­rida para sa kampanya ng Enforcers sa second con­fe­rence na bubuksan sa Pebrero 10.

Ang 240-pound center ay ang tanging exception sa PBA rule kung saan ang 11 pang koponan ay dapat lamang magparada ng mga import na may height limit na 6’9.

Pinayagan ng PBA ang Mahindra na kumuha ng import na may unli­mited height dahil sa kabiguan nilang makaabante sa playoffs ng 2016 Phi­lippine Cup.

Inalam ng Enforcers ni playing coach Manny Pacquiao ang estado nina 7’4 P. J. Ramos at 6’10 Ha­mady N’Diaye bago ku­nin si Gilchrist.

Naglaro si Ramos sa nakaarang PBA Commis­sioner’s Cup at nakita sa aksyon si N’Diaye sa Governors Cup.

Nagtala si Ramos ng mga averages na 19 points at 9.7 rebounds para sa Jilin Northeast Ti­gers sa Chinese Bas­ket­ball Asso­ciation, samantalang nag­­lista si N’Diaye ng 6.3 points at 4.5 rebounds per game averages para sa Bnei Hertzeliyya sa Israel league.

Ang 26-anyos na si Gil­christ ay isang versatile post player na lumalaban sa mga double teams para sa South Florida.

Nagtala si Gilchrist sa NCAA Tournament ng mga averages na 9.5 points, 5.0 rebounds at 1.2 blocked shots sa 33 games.

Inilarawan ni South Flo­rida coach Stan Heath si Gilchrist na “monster, a terrific post player (and) a difficult guy for teams to match up against.”

Ginugol ni Gilchrist ang kabuuan niyang four-year collegiate career sa ilalim ni Heath.

“On any given night, Gilchrist is as good as any big man you’re going to find in our league and around the country,” sabi ni Heath. “He’s certainly talented, he gives you that versatility inside and out.  He pretty much gets a double team routinely in every game we play so he’s got to handle that si­tuation better.  I think with better perimeter shooting and with his development as a passer, those things will happen for us.”

Naging kakampi ni Gilchrist sa South Florida varsity team si dating PBA import Jarrid Famous (Meralco at Globalport).

Muli silang nagkasama sa Iowa Energy sa NBA D-League noong 2012-13.

Matapos makumpleto ang kanyang eligibility years sa South Florida ay naglaro naman si Gilchrist para sa Sacramento Kings sa NBA Pro Summer League sa Las Vegas ka­su­nod sa Iowa Energy sa NBA D-League.

Na­ging import si Gilchrist sa Italy, Hungary at Cyprus.

Show comments