MANILA, Philippines – Bumangon ang San Beda mula sa kabiguan sa first set para balikan ang Lyceum of the Philippines University, 21-25, 27-25, 25-13, 25-18 at palakasin ang tsansa sa Final Four sa men’s division ng 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Humataw sina Mark Christian Enciso at team captain Alfie Mascarinas ng 21 at 18 hits, ayon sa pagkakasunod, para makalapit ang Red Lions sa pagsosyo sa No. 4 sa Arellano Chiefs sa magkatulad nilang 5-3 (win-loss) record.
Iniskor ng power-hitting na si Mascarinas ang lahat ng kanyang puntos sa kills kasama ang dalawang hataw sa huling dalawang sets na dinomina ng San Beda.
Umiskor naman si Enciso ng 17 points sa spikes bukod pa ang tig-dala-wang blocks at serves.
“It was a total team effort but these guys stepped up the biggest,” Red Lions’ sabi ni coach Jose Roque sa Enciso-Mascarinnas pair.
Tuluyan namang nasibak ang Pirates ni mentor Emil Lontoc, nakahugot ng 15 hits kay Joeward Presnede, sa Final Four sa kanilang 3-5 baraha.
Sa women’s action, tinalo ng San Beda ang LPU, 21-25, 25-23, 25-15, 21-25, 15-12.
Ito ang ikatlong panalo ng Lionesses sa walong laro, habang nalasap ng Lady Pirates ang kanilang ikaapat na kabiguan sa walong laban.