TORONTO – Sinira ni Jimmy Butler ang team record ni Michael Jordan sa pag-iskor sa isang yugto matapos kumamada ng 40 sa kanyang 42 markers para igiya ang Chicago Bulls sa 115-113 pagtakas sa Toronto Raptors.
May 39 points si Jordan sa second half nang labanan ng Bulls ang Milwaukee Bucks noong 1989.
Tumipa naman si Butler ng 14-of-19 fieldgoal shooting sa huling dalawang quarters matapos ang 1-for-4 start sa pang-apat na sunod na arangkada ng Chicago.
Hinakot ni Pau Gasol ang kanyang ika-17 double-double sa season sa tinapos na 19 points at 13 rebounds sa paggupo ng Bulls sa Raptors sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo.
Pinamunuan ni DeMar DeRozan ang Toronto sa kanyang 24 points.
Sa New York, nag-lista si Arron Afflalo ng season-high 38 points para tulungan ang Knicks sa 111-97 panalo laban sa Atlanta Hawks.
Nagposte si Afflalo ng 14-for-17 fieldgoal clip at may 7-for-8 shooting sa 3-point range.
Binanderahan naman ni Paul Millsap ang Hawks sa kanyang 19 points kasunod ang 18 ni Kent Bazemore.
Sa Washington, umiskor si Chris Bosh ng 23 points, habang may 18 markers si Goran Dragic para ihatid ang Miami Heat sa 97-75 paglampaso sa Wizards.
May siyam lamang na malusog na players, umiskor ang Washington ng kabuuang 7 points sa second quarter kumpara sa 25-7 ng Miami.
Naimintis ng Wi-zards ang 20 sa kanilang 22 field goal attempts at kinuha ng Heat ang 50-31 halftime lead.
Pinamunuan ni John Wall ang Washington sa kanyang 14 points.
Sa Denver, humataw si CJ McCollum ng 25 points at 7 assists para pamunuan ang Portland Trail Blazers sa 112-106 tagumpay laban sa Nuggets.
Nagdagdag si Gerald Henderson ng 19 points kasunod ang 14 ni Al-Farouq Aminu para sa Portland, naipanalo ang apat sa huli nilang limang laro.
Binanderahan ni Danilo Gallinari ang Nuggets sa kanyang 29 points.
Sa Los Angeles, tumipa si Lou Williams ng season-high 30 points para ibigay sa Lakers ang 97-77 tagumpay kontra sa Phoenix Suns.
Ito ang pang-siyam na sunod na kamalasan ng Suns.
Ito ang ikatlong dikit na panalo ng Lakers matapos manalo sa Boston Celtics at Philadelphia 76ers.
Hindi naman nagl;aro si Kobe Bryant sa ikalawang sunod na pagkakataon buna ng kanyang sore right shoulder.