^

PM Sports

Diaz kumpiyansa sa tiket para sa 2016 Rio Olympics

Olmin Leyba - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nawawalan ng pag-asa si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz na makukuha niya ang ina­asam na tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Inangkin ni Diaz, ang reigning Asian titlist sa wo­men’s 53 kg category, ang bronze medal ng nakaraang world championships noong Nobyembre sa Houston para patibayin ang kanyang pag-asa sa silya sa 2016 Rio Olympics.

Inaasahang makaka­laro siya sa Olympics sa ikatlong pagkakataon mu­la sa listahan na ipapa­dala ng International Weightlifting Federation sa Hun­yo.

“Hindi ko pa muna ini­isip na qualified na ako kasi mahirap na kung ma­kuntento ako,” sabi ng tubong Zamboanga Ci­ty. “Dapat kasi hindi ka ma­kuntento kasi iyong mga kalaban mo ay hindi naman sila nagre-relax.”

Titiyakin ni Diaz na ma­giging perpekto ang kan­yang porma sa paglahok sa 2016 Olympics.

“Titignan ko kung ano ang naging mali ko nung world championships ka­gaya ng body weight ma­nagement, ia-address ko rin ‘yung technique ko, mag­kukunsulta rin ako sa strength and conditio­ning. Alam ko marami pa akong room for improvement,” ani Diaz.

Bumuhat si Diaz ng 96-117-213 para kunin ang bronze medal sa Houston world meet.

Dahil dito ay umakyat siya sa fourth spot sa 2016 Olympic Qualification Ran­king List ng IWF para sa women’s 53-kg division.

ACIRC

ALAM

ANG

DIAZ

HIDILYN DIAZ

INTERNATIONAL WEIGHTLIFTING FEDERATION

OLYMPIC GAMES

OLYMPIC QUALIFICATION RAN

RIO OLYMPICS

SHY

ZAMBOANGA CI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with