Kabayong Princess Niccole, pinakadehadong nanalo
MANILA, Philippines – Napahiya ang lahat ng mga tiyempista at pati na ang mga mahuhusay na clockers nang magwagi ang pinaka-dehadong Princess Niccole sa isang Philracom-MJCI Christmas Racing Festival nitong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park.
Pinasakyan lang ito sa isang class-D rider na si JPE Villanueva pero hindi ito naging hadlang para magbunyi ang koneksyon na sina
horseowner Patrick P. Uy, horsetrainer Nestor E. Manalang gayundin si Villanueva. Ang apat na taong kastanyang kabayo ay hindi na nadikitan ng sinuman sa kanyang mga nakalaban bagama’t wala ni isa man sa mga tipsters ang nagturo na may panalo ito.
Sa panalo ni Princess Niccole na siyang tanging pinaka-dehado sa alinman sa walong karerang nailarga, ay nagpalobo ito ng dibidendo lalo na sa winner take all.
May P195,943 ang premyo ng bawat isang ticket na maipagdiwang ng higit na may saya at sigla ang papalapit na baong taong 2016 na papasok.
Sa pick six naman ng gabi ay nag-umento ito ng P11,558 sa bawat winning tickets at mas
malaki pa ang pick five dividends na P17,699 dahil ang Princess Niccole ang siyang unang kartada sa naturang exotic betting options.
Sa naturang karera ay pilit na bumubuntot ang Ecstatic Gee na nirendahan ni J.L. Lazaro gayundin naman ang pagpasikat ng Twice As Lucky na si E.P.
Pagsapit sa papaliko sa huling kurbada ay ito namang si Pampangueño na pinaandar ni Dan Camañero, Tisay na sinakyan ni L.C. Lunar at Kaluguran na ginabayan ni J.L.
Paano ang siya namang nagpumilit na makahabol sa nauunang Princess Niccole.
Sa Pagkapanalo ng dehadong si Princess Niccole ay umarangkada naman ang mga paboritong kabayo para itatak ang P31.60 baryang dibidendo para sa pick four.(JM)
- Latest