Burks ‘di alam kung kailan babalik sa Jazz

SALT LAKE CITY – Hindi alam kung kailan babalik si Alec Burks ng Utah Jazz matapos mabalian sa kanyang kaliwang binti sa laro kontra sa Clippers noong Sabado ng gabi.

Inihayag ng team na sumailalim ang fifth-year guard sa MRI noong Linggo ng umaga kung saan nakita ang fractured fibula. Nabali ang buto ni Burks nang bumagsak ito sa huling bahagi ng second quarter sa kanilang 109-104 pagkatalo.

Si Burks ang third major contributor para sa Jazz ngunit bumaba na ng husto ang kanyang playing time ngayong season.

Si starting center Rudy Gobert ay di pa nakakalaro dahil sa sprained MCL. Hindi pa alam kung kailan siya makakabalik.  Out na sa buong season si starting point guard Dante Exum dahil sa torn ACL.

Lumaro si Burks sa lahat ng game ng Jazz ngayong season at may average na career-high na 14.3 points na isa sa inaasahan sa offense off the bench.

Show comments