Batang Pier nakalusot sa Kings sa overtime

Agawan sa rebound sa ere sina Japeth Aguilar ng Ginebra at Jay Washington ng Globalport. PM Photo/Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Halos ayaw lisanin ni Ba­rangay Ginebra coach Tim Cone ang basketball court dahil sa iginigiit ni­yang five-second violation kay Globalport point guard Stanley Pringle.

Subalit pinanindigan ni PBA Commisisoner Chi­­to Narvasa ang resulta ng laro.

Tinakasan ng Batang Pier ang Gin Kings, 84-83, sa overtime para pitasin ang semifinals ticket ng 2015-2016 PBA Phi­lip­pine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lalabanan ng Globalport ang No. 1 Alaska sa best-of-seven semifinals se­ries.

“We all know Ginebra is a tough team and coach Tim is a good coach, pero breaks of the game ‘yun eh,” sabi ni Batang Pier men­tor Pido Jarencio. “Cre­dit sa boys. Deserve ta­laga nila ‘yung mapunta sa semis.”

Ang basket ni Billy Mamaril sa huling 4.1 se­gundo ang nag-akay sa Ba­tang Pier sa extra period, 74-74, patungo sa ka­nilang 82-76 abante sa 2:35 minuto nito.

Naidikit ni Japeth Agui­lar ang Gin Kings sa 83-84 agwat sa natitirang 8.0 segundo.

Inipit ng Ginebra si Pringle sa harap ng table officials hanggang tumunog ang final buzzer.

Iginiit ni Cone na da­pat tumawag ang referee ng five-second violation la­ban kay Pringle

Samantala, magtutuos naman ang Rain or Shine at Talk ‘N Text sa isang knockout game ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Tinalo ng No. 3 Elasto Painters ang No. 10 Blackwater Elite, 95-90, habang sinibak ng No. 5 Tropang Texters ang No. 7 NLEX Road Warriors, 90-88, para maitakda ang kanilang agawan sa semifinals seat.

Ang mananalo ang sa­sagupa sa No. 2 San Mi­guel sa semifinals series. 

GLOBALPORT 84 - Pringle 25, Romeo 23, Wa­shington 13, Yeo 11, Ma­maril 4, Kramer 3, Semerad 3, Jensen 2, Maierhofer 0, Peña 0, Sumang 0.

Ginebra 83 - Slaughter 25, Tenorio 18, Devance 12, Caguioa 9, Mercado 9, Aguilar 6, Cruz 4, Ellis 0, Marcelo 0, Thompson 0.

Quarterscores: 18-16; 33-32; 53-53; 74-74, 84-83 (OT).

Show comments