CLEVELAND -- Humakot si power forward Kevin Love ng 23 points at 13 rebounds at kumolekta si forward LeBron James ng 24 points, 9 rebounds at 5 assists para pangunahan ang Cavaliers sa 91-84 panalo laban sa New York Knicks.
Naglaro ang Knicks nang wala si forward Carmelo Anthony, ngunit nakahugot ng 23 points at 13 rebounds kay rookie Kristaps Porzingis.
Nakabangon ang Knicks mula sa 11-point deficit para kunin ang una nilang bentahe matapos ang tip-in ni forward Lou Amundson sa 11 minuto ng laro.
Subalit muling nakamit ng Cavaliers ang kalamangan matapos patahimikin si Porzingis sa fourth quarter.
Sa kanya namang ikalawang laro mula sa fractured kneecap injury ay nagtala si Cavs guard Kyrie Irving ng 5 points at 4 assists buhat sa 1-of-7 fieldgoal shooting sa loob ng 20 minuto.
Nagkaroon ang Knicks na maagaw ang panalo sa huling minuto ng laro.
Ang depensa ni Cavs guard Iman Shumpert kay guard Arron Afflalo ang pumuwersa sa Knicks na tumawag ng timeout kung saan tabla ang laro sa 82-82.
Sinayang ni Knicks forward Lance Thomas ang inbounds pass na nagresulta sa basket ni Cavs guard Matthew Dellavedova.
Matapos ito ay inagawan ni Shumpert ng bola si Afflalo kasunod ang slam dunk ni James para selyuhan ang panalo ng Cleveland.
“I’ll be happiest when we see a full roster that’s entirely healthy, but it feels good,” sabi ni Blatt. “We’ve been waiting for this.”
Sa New York, inungusan ni Dirk Nowitzki si Shaquille O’Neal sa sixth place sa career scoring list ng NBA at isinalpak ang isang go-ahead basket sa huling 19.2 segundo sa overtime para ihatid ang Dallas Mavericks sa 119-118 pagtakas sa Brooklyn Nets.
Nagtumpok si guard J.J. Barea ng career-high na 32 points at season-best na 11 assists para sa Mavericks, lumamang ng 16 points sa first half.
Tumapos si Nowitzki na may 22 markers para sa kanyang 28,609 career points.
Nagdagdag naman si Wesley Matthews ng 17 markers.
Umiskor si Thaddeus Young ng season-best na 29 points sa panig ng Nets.
Sa Atlanta, kumamada si Jeff Teague ng 23 kasunod ang 18 ni Paul Millsap para ibigay sa Hawks ang 17-100 panalo kontra sa Detroit Pistons at kunin ang ika-limang sunod na panalo.