MANILA, Philippines - Sa matatag na pagrenda ni Jonathan B. Hernandez ay nakuha niyang mai-pace ng maayos ang Gentle Strength para magkampeon sa 2015 Philippine Ra-cing Commission Chairman’s Cup noong Linggo ng hapon sa karerahan ng Santa Ana Park.
Nanatili lamang ang Gentle Strength, isang tatlong taong kastanyang kabayo na mula sa istalyong Ultimate Goal at inahing Shadow Of The Moon sa ikalimang puwesto at namentina ang kanyang posisyon hanggang sa pagpasok ng huling kurbada.
Sa may kahabaang homestretch ay nakuha nang maagaw ng Gentle Strength ang pangunguna mula kina Sierra Lanes, Icon, Cat’s Dream at Diamond’s Best na siyang matutulin sa grupo.
Nang umabante ang Gentle Strength ay siya na ring nagparemate ang paboritong Court Of Honour na dala ni John Alvin Guce gayundin ang Money Talks na nilalatigo ni Reynaldo O. Niu Jr.
Pero nawalan ng saysay ang lahat ng paghahabol sa panlaban ni Mandaluyong Benhur Abalor Jr., na nakapamigura sa unahan para angkinin ang panalo na may tatlong horselength na layo sa pumangalawang si Court Of Honour.
May three-horselenght sa likod ang Money Talks gayundin ang Mr. Minister at Diamond’s Best na kumumpleto para sa pentafecta event.
Binagtas ng Gentle Strength ang isang milyang distansiya sa bilis na 1:40 na may mga quarter times na 26.5; 24; 24 at may dating pang 25-medya.
Ang dating Philracom chairman na si Angel Lopez Castano Jr., mismong nanguna sa pagbibigay ng awards sa koneksyon ng Gentle Strength na kintawan nina Melvin Villegas, Ruben Tupaz at J.B. Hernandez.
Pinangunahan naman ni PRCI president Simeon Cua ng host club kasama sina Romel Fernandez ng racing department. P1.2-milyon ang sa first prize dito. At ang nagwaging breeder ay si Abalos Jr. rin.