MANILA, Philippines – Mas naipakita ng Blackwater ang kanilang determinasyong angkinin ang pang-10 at huling sil-ya sa quarterfinal round kaysa sa Mahindra.
Nagtayo ang Elite ng malaking 20-point lead sa third period para pabagsakin ang Enforcers, 108-99, patungo sa kanilang kauna-unahang playoff appearance sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“This is our first playoffs appearance so this will be a new experience for us,” sabi ni coach Leo Isaac sa Blackwater.
Sa pagiging No. 10 team ay lalabanan ng Elite ang No. 3 Rain or Shine Elasto Painters.
Ang No. 1 Alaska at No. 2 San Miguel ang kumuha sa dalawang outright semifinals berth.
Sa tournament format, ang No. 3, 4, 5 at 6 squads ay makakakuha ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.
Nagsalpak si Reil Cervantes ng apat sa kanyang anim na three-pointers sa fourth period, ngunit si veteran guard Mike Cortez ang tumipa ng mas mahahalagang puntos para sa Blackwater.
Tumapos si Cortez na may game-high na 30 markers, samantalang nag-ambag si Bam Bam Gamalinda ng 16 points.
Sa ikalawang laro, inangkin ng Ginebra ang No. 4 berth nang gibain ang Talk ‘N Text, 91-84.
Humakot si Greg Slaughter ng 27 points at 14 rebounds para sa Gin Kings, kinuha ang 18-point lead bago nakadikit ang Tropang Texters sa 81-85.