Bitoon nagsulong ng silver sa Chess Open sa Malaysia

MANILA, Philippines – Nakuntento si Filipino Grand Master Richard Bitoon sa silver medal nang tumapos na may 7 points sa nakaraang 2nd Johor International Chess Open sa Johor Bahru City Square Office Tower sa Malaysia.

Kumolekta si Bitoon ng 6 wins at 2 losses para matiyak ang pangalawang posisyon.

Nakasosyo ni Bitoon sa No. 2 spot si FIDE Master Dang Hoang Son ng Vietnam, ngunit mas mataas ang tiebreak points ng Pinoy GM.

Ilan sa mga dinaig ni Bitoon ay sina Zain Izzudin ng Brunei Darussalam sa first round, Niranjan Valagund ng India sa se­cond round, IM Nguyen Van Hai ng Vietnam sa fifth round, Vo Than Ninh ng Vietnam sa sixth round, Hoang Son sa se­venth round at GM Ngu­yen Duc Hoa ng Vietnam sa eighth round.

Nakahati sa puntos si Bitoon kina Lutfi sa third round at IM Narayanan Srinath ng India sa ninth round.

Natalo lamang siya kay IM Mhamal Anurag ng India sa fourth round.

Magkasalo sa ika-10 puwesto sina Filipino IM Oliver Dimakiling at IM Haridas Pascua na may parehong 5.5 points, habang nasa ika-53 si Jelvis Calvelo na may 3 points.

Samantala, nakamit naman ni International Master Ali Muhammad Lutfi ng Indonesia ang gold medal sa kanyang 7.5 points mula sa 6 wins at 3 draws.

Show comments