PWU nagreyna sa WBL
MANILA, Philippines – Tuluyan nang pinagreynahan ng Philippine Women’s University ang 25-years and Under division matapos talunin ang Polytechnic University of the Philippines, 48-40, sa katatapos na 28th Women’s Basketball League na itinataguyod ng Milo sa Xavier School gym.
Muling bumandera si Most Valuable Player Charlene Camba para sa PWU at angkinin ang kampeonato ng 25-Under division.
Tinakasan naman ng Enderun Colleges ang University of Santo Tomas, 34-33, para pitasin ang third place.
Samantala, kabiguan ang ipinalasap ng Chiang Kai Shek College at St. Paul-Pasig sa De la Salle-Zobel School.
Pinatumba ng St. Paul-Pasig ang DLS-Z, 33-31, patungo sa pag-angkin sa 13-Under title ng torneong inorganisa ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa ilalim ni dating national coach Nic Jorge.
Dinaig ng Chiang Kai Shek College ang DLS-Z, 39-49, para ibulsa ang korona ng 17-Under Competitive class at dinurog naman ng New Era High School ang St. Stephen’s High School, 37-16, para kunin ang 17-Under Developmental title.
- Latest