Two-day, 10-team beach volleyball sa SM By The Sands

MANILA, Philippines – Isang two-day, 10-team tournament ang mag­sasara sa taon ng beach volleyball.

Tinaguriang ‘Beach Volleyball Republic Christmas Open,’ ita­tampok sa Dec. 19-20 meet ang ilan sa pinaka­ma­huhusay na volleybelles ng bansa para pag-agawan ang prem­yong P100,000 sa SM By the Sands.

Ang ilan sa mga sasabak sa aksyon ay sina Bea Tan at Rupia Inck, Charo Soriano at Alexa Micek, Fille Cainglet at Denden Lazaro, April Hingpit at Maica Mora­da, Julie Ann Tiangco at Mariel Sinamban.

Ang kukumpleto sa 10 koponan ay sina Ri­ca Rivera at Cherry Rondina, Janine Marciano at Bang Pineda, April Romero at Rose Cailing, Judy Caballejo at Camille Abanto at sina Arielle Estranero at Vina Alinas.

Show comments