MIAMI – Nagsalpak si Dwyane Wade ng isang jumper sa huling 21.9 segundo na nagbigay sa Heat ng kauna-unahan nilang bentahe sa second half tungo sa pagbangon mula sa 16-point deficit at talunin ang Memphis Grizzlies, 100-97.
Tinapos ng Miami ang kanilang three-game slide tampok ang 22 points ni Chris Bosh kasunod ang 16 ni Gerald Green at 15 ni Luol Deng, habang may 14 si Wade.
Ang nasabing jumper ni Wade ang nagbigay sa Heat ng one-point lead at sinel-yuhan ni Justise Winslow ang kanilang panalo ng kanyang 2-free throws.
Umiskor naman si Jeff Green ng season-high na 26 points sa panig ng Grizzlies, habang nagtala si starter Matt Barnes ng 13 points at 13 rebounds.
Nagdagdag si dating Heat guard Mario Chal-mers ng 12 para sa Memphis, hinulugan ng Miami ng 11-0 bomba sa huling 2:34 minuto ng fourth quarter.
Sa Oklahoma City, kumamada si Kevin Durant ng 31 points para ihatid ang Thunder sa 104-98 overtime win laban sa Utah Jazz.
Bumangon ang Oklahoma City mula sa 16-point deficit para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa Utah.
Naglista si Russell Westbrook ng 25 points, 11 rebounds at 5 assists para sa Thunder, naipanalo ang kanilang siyam na sunod na home games laban sa Utah simula noong 2010-11 season.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Thunder ngayong season.
Umiskor si Rodney Hood ng 23 points, habang may 22 si Gordon Hayward at 21 si Alec Burks para sa Jazz.
Sa Toronto, nagposte si DeMar DeRozan ng 25 points at may 22 si Luis Scola para tulungan ang Raptors sa 96-76 pagdurog sa Philadelphia 76ers para sa ikaapat na sunod na panalo.