MANILA, Philippines – Maagang nagdiwang ang NLEX nang makapagposte ng malaking 22-point lead sa third period at 20-point advantage sa kaagahan ng fourth quarter.
Ngunit huli na nang maalala nila na may ‘never-say-die’ spirit nag Barangay Ginebra.
Sa likod nina No.3 overall pick Scottie Thompson at back-up center Dave Marcelo, bumangon ang Gin Kings mula sa naturang agwat para resbakan ang Road Warriors, 91-90, at angkinin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Thompson, dating kamador ng Perpetual Help Altas sa NCAA, na may 14 points, habang nagdagdag si Marcelo ng 10 markers para sa ikalawang sunod na ratsada ng Ginebra kasabay ng pagpapalasap sa NLEX ng ikaapat nitong kamalasan.
“I dont feel I deserve to be here. Our guys just didn’t give up on the game. We had a lot of heroes like Scottie, Dave and Jayjay (Helterbrand) and Joe (Devance),” sabi ni coach Tim Cone.
Itinala ng Road Warriors ang 75-53 abante sa 3:23 minuto ng third period at ang 79-59 kalamangan sa 10:44 minuto ng fourth quarter bago nagpakawala ang Gin Kings ng 24-4 atake sa likod nina Thompson, Marcelo at Chris Ellis para itabla ang laro sa 83-83 sa 4:12 minuto ng laro.
Ang mintis na lay-up ni Sean Anthony sa natitirang 1.7 segundo sa panig ng NLEX ang tuluyan nang kumumpleto sa pagbabalik ng Ginebra.
Sa unang laro, nagsalpak si guard Josh Urbiztondo ng limang triples para tumapos na may 24 points at igiya ang Barako Bull sa 101-83 paggiba sa Star.
BARAKO BULL 101 - Urbiztondo 24, Intal 18, Wilson 18, Fortuna 14, Pennisi 14, Brondial 6, Monfort 5, Lanete 2.
Star 83 - Barroca 17, Yap 12, Sangalang 11, Pingris 10, Mallari 9, Taha 7, Cruz 5, Melton 5, Pascual 4, Torres 3, Simon 0.
Quarterscores: 25-28; 45-45; 67-71; 101-83.
GINEBRA 91 - Slaughter 18, Thompson 14, Aguilar 12, Ellis 11, Marcelo 10, Tenorio 7, Devance 6, Helterbrand 5, Caguioa 4, Cruz 4, Mercado 0, Salva 0.
NLEX 90 - Taulava 21, Anthony 16, Villanueva J. 11, Lanete 9, Alas 8, Camson 6, Enciso 6, Khobuntin 6, Borboran 5, Reyes 2.
Quarterscores: 22-22; 41-49; 75-59; 91-90.