MANILA, Philippines – Gumamit ang doubles specialists na si Treat Huey ng bagong labas na Accel Quantum Plus technolo-gy para makatulong sa kanyang performance at ma-maintain ang kanyang positive outlook sa lahat ng laro sa katatapos lamang na International Premier Tennis League (IPTL) kung saan nakatambal niya ang tennis superstar na si Serena Williams.
“To play with the best tennis players in the world in the IPTL is already an accomplishment for Treat. We, at Accel, support him all the way,’’ sabi ni Sporteum Philippines Inc. president Willie Ortiz, isa ring tennis fan.
Ang Sporteum Philippines Inc. ang distributor ng Accel, ang No. 1 Filipino-owned sports apparel sa bansa. Ang Accel Quantum Plus ang pinakahu-ling technology sa sports apparel.
Ang tela ng Accel Quantum Plus ay nagbibigay Energy sa nagsusuot kahit na nagpapawis na ito sa mabigat ng kompetisyon.
Bukod kay Huey isa pang endorcer ng Accel si Filipino tennis standout Cecil Mamiit.