MANILA, Philippines – Matapos mabigong makakuha ng opisyal na sagot mula kay Manny Pacquiao noong nakaraang linggo, sinabi kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na tuluyan nang ihahayag ang pinakahuling lalabanan ng Filipino world eight-division champion sa Sabado (US time).
Ito ay gagawin ni Arum sa TV broadcast sa Puerto Rico ng isang boxing card na magtatampok kay Felix Verdejo.
“That’s what we are going to do,” wika ni Arum sa natu-rang announcement plan.
Ang mga pinagpipilian para sa magiging pinakahuling laban ni Pacquiao sa Abril 9, 2016 ay sina world light welterweight titlist at 2014 Fighter of the Year Terence Crawford, welterweight titleholder Timothy Bradley Jr. at welterweight contender Amir Khan.
Walang ibinunyag na pangalan si Arum sa hanay nina Crawford, Bradley at Khan.
“I don’t know but if it does, you won’t hear it from my lips,” sabi pa ni Arum, nagdiwang kahapon ng kanyang ika-84 kaarawan.
Nirebisa na ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ang mga fight tapes nina Crawford (27-0-0, 19 KOs), Bradley (33-1-1, 13 KOs) at Khan (31-3-0, 19 KOs).
Sinuman ang sagupain ng Filipino boxing superstar ay makakakuha siya ng guaranteed purse na $20 milyon, ayon kay Arum.
Sinasabing si Bradley ang napili ni Pacquiao, natalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 2, para sa kanyang magiging pinakahuling laban bago tuluyan tutukan ang kanyang political career.
Ito ay base na rin sa naging pakikipag-usap ng asawa ni Bradley na si Monica kay Top Rank president Todd duBoef.
“A lot can change in the next three days, but Todd and I have developed a good relationship. I like the way we do business,” wika ni Monica.
Ginulat ni Bradley si Pacquiao matapos kunin ang kontro-bersyal na split decision win noong 2012 para agawin ang World Boxing Organization welterweight belt bago siya niresbakan ni Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang rematch noong 2014.
“Tim’s very excited – more about this one than either of the others before,” sabi ni Monica. “With a new trainer, it’ll be a whole different Tim Bradley. Teddy has done so much for Tim … people might think they’ve seen the best Tim Bradley. They haven’t yet.” nagmula si Bradley sa ninth-round stoppage kay Brandon Rios noong Nov. 7 sa Las Vegas sa ilalim ng bago niyang trainer na si Teddy Atlas.