Tuluy-tuloy pa rin ang Warriors

TORONTO – Tumikada si Stephen Curry ng siyam na 3-pointers at nagposte ng 44 points para tulungan ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 112-109 panalo laban sa Raptors.

Nagpasok si Curry ng 14-for-24 fieldgoal shooting at nagtala ng 9-for-15 clip sa 3-point line para sa kanilang NBA-record start na 21-0.

Naglista ang NBA MVP ng average na 30 points sa kanyang anim na career games sa Toronto kung saan inilaro ng kanyang amang si Dell at huling tatlong seasons niya.

“I have great memories of being here watching my dad play. I got some shots up on that rim for three years every game night,” sabi ni Curry. “I enjoy coming back here and playing, it’s a familiar setting.”

May 25 sunod na regular-season wins, hawak ng Warriors ang third-longest streak sa NBA history sa ilalim ng 1971-72 Los Angeles Lakers (33) at 2012-13 Miami Heat (27).

Nag-ambag si Klay Thompson ng 26 points para sa Warriors at humakot si Draymond Green ng 16 points, 9 rebounds at 6 assists.

Tumipa naman si Kyle Lowry ng anim na 3-pointers para sa kanyang career-high 41 points sa panig ng Toronto, naipatalo ang tatlo sa huli nilang apat na laro.

Show comments