Globalport pasok sa quarterfinals
MANILA, Philippines – Habang patuloy ang pagkamada nina backcourt tandem Terrence Romeo at Fil-Am Stanley Pringle ay walang dahilan para ma-ngamba ang Globalport.
Umiskor si Romeo ng 29 points habang nagtumpok si Pringle ng 27 markers para pangunahan ang Batang Pier sa 96-90 panalo laban sa NLEX Road Warriors upang hablutin ang isang quarterfinals seat sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Globalport para solohin ang ikaapat na puwesto habang nalasap naman ng NLEX ang kanilang pangalawang dikit na kamalasan.
“At least hindi na tayo nawawala sa quarters, unlike nung una kong hawak, dalawang panalo lang, ang hirap na makuha,” sabi ni coach Pido Jarencio, ang uma-kay sa University of Sto. Tomas Tigers sa pinakahuli nitong UAAP crown noong 2006.
Ang dalawang free throws ni Romeo mula sa foul ni Villanueva ang nagbigay sa Globalport ng 96-90 abante sa natitirang 2.5 segundo.
“Sabi ko sa kanila kailangan natin ng separation,” wika ni Jarencio sa kanyang Batang Pier. “Sabi ko huwag intindihin ‘yung nasa itaas. Ang target namin is No. 3, 4, 5 o 6 para sa twice-to-beat.”
Pinangunahan ni Taulava ang Road Warriors sa kanyang 29 points kasunod ang 17 ni Anthony at 10 ni Villanueva.
GLOBALPORT 96 - Romeo 29, Pringle 27, Jensen 14, Mamaril 9, Kramer 7, Washington 6, Pena 2, Sumang 2, Maierhofer 0, Semerad 0, Taha 0, Yeo 0.
NLEX 90 - Taulava 29, Anthony 17, Villanueva J. 10, Alas 9, Cardona 8, Villanueva E. 8, Khobuntin 5, Enciso 2, Lanete 2, Arboleda 0, Borboran 0, Reyes 0.
Quarterscores: 24-16; 53-35; 77-70; 96-90.
- Latest