MANILA, Philippines – Naging bahagi siya ng planning session, ngunit nang magsimula ang 41st season ay tila wala na siyang papel sa Philippine Basketball Association.
Ito ang isa sa mga sinasabing dahilan ng biglaang pagbibitiw ni Chito Salud bilang President at Chief Executive Officer (CEO) ng professional league.
“I can only guess he might feel he’s useless during a PBA season. He presides in the planning session but takes the backseat when the season starts,” wika ng isang PBA governor.
Isang special meeting ang itinakda ng PBA Board bukas para talakayin ang naturang pagbibitiw ni Salud.
Nanggaling si Salud sa New Zealand kung saan niya pinangunahan ang delegasyon na nagtampok sa isang legends’ game.
“There are many possibilities but I can’t say yet what will happen. We have to hear first the proposals and recommendations of the governors,” sabi ni board chairman Robert Non.
Matapos makumpleto ang kanyang pang-limang termino bilang ika-walong PBA Commissioner kapalit ni Sonny Barrios noong 2010 ay inihayag ni Salud ang kanyang pagbibitiw sa Pebrero ng 2016.
Ngunit napakiusapan si Salud ng league board na tanggapin ang puwesto bilang president at CEO ng liga.
Tinanggap naman ito ni Salud noong Mayo sa All-Star Week sa Puerto Princesa, Palawan.
“We still want to grow and we feel CEO Chito Salud can help us. He has new tasks, to be helped by the game commissioner. Ang game commissioner ang nakatutok sa games,” sabi ni dating board chairman Patrick Gregorio.