MANILA, Philippines – Matapos makumpleto ang kanyang playing years para sa Ateneo Blue Eagles ay susubukan naman ni UAAP back-to-back MVP Kiefer Ravena na makatulong sa Gilas Pilipinas.
Sumama ang 6-foot-1 guard sa ensayo ng Gilas Pilipinas training pool noong Lunes sa Meralco Gym na pansamantalang pinamunuan ni assistant coach Jong Uichico habang wala si coach Tab Baldwin.
“Coach Tab and Kiefer have talked. I don’t know the specifics but I’m sure it’s headed on that direction,” wika ni Gilas team manager Butch Antonio. “Eventually, he’ll be there. Just like Troy Rosario.”
Sina Ravena at Rosario ay mga dating Gilas cadet players at ngayon ay kabilang sa elite pool na maghahanda para sa Olympic world qualifying tournament sa susunod na taon.
Tatlong beses naging miyembro si Ravena ng Gilas cadet team na kumuha ng gold medal sa Southeast Asian Games.
Noong Lunes ay nakipag-ensayo si Ravena kina San Miguel center June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Ginebra, Calvin Abueva ng Alaska, Rain or Shine guard Gabe Norwood, Marc Pingris ng Star at Matt Ganuelas-Rosser, Moala Tautuaa at Rosario ng Talk ‘N Text.
Hindi naman nagpapawis sina Jayson Castro, Jeff Chan, Marcio Lassiter, Terrence Romeo at Paul Lee.
Umuwi si Baldwin sa United States dahil sa isang family emergency at nakatakdang bumalik kahapon.
Nakatulong naman ni Uichico sa practice sina Alaska coach Alex Compton at Josh Reyes. (NB)