MANILA, Philippines – Isa lamang kina Jason Perkins ng La Salle Green Archers at Fil-American guard Avery Scherer ang hihirangin ng Racal/Keramix bilang No. 1 overall pick para sa 2015 PBA D-League Rookie Draft.
Kung hanap ng Racal/Keramix ang maaasahang sentro ay kukunin nila ang 6-foot-4 na si Perkins, ngunit lalakas naman ang kanilang backcourt sakaling hugutin nila ang 6’2 na si Scherer.
“We need a big man,” sambit ni caoch Caloy Garcia sa posibleng pagpili nila kay Perkins sa 2015 PBA D-League Rookie Draft ngayong hapon sa Metro Walk sa Pasig City.
Si Perkins, iginiya ang La Salle sa Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament, ay isa lamang sa kabuuang record na 189 aspirante sa D-League Rookie Draft.
Ang AMA Computer naman ang hihirang sa No. 2 overall pick at nabanggit ni Mark Herrera si 6’6 Ateneo Blue Eagles center Alfonso Gotladera.
“We are on the look-out for a big man who could take the place of (Dexter) Maiquez and provide J.R. Taganas some help inside. Right now, our first option is Gotladera,” wika ni Herrera.
Maaari din nilang kunin si Scherer kung hindi ito haharbatin ng Racal/Keramix.
“But nothing is final yet. We’re also reviewing the credentials of some Fil-foreign players,” dagdag ni Herrera.
Ang 29-anyos na si Scherer, pinamunuan ang Asean Basketball League sa assists at steals sa nakaraang season, ay isa sa 22 Fil-foreign players na inaasahang mahuhugot sa first round.
Ayon kay Scherer, hindi napili noong 2010 NBA Rookie Draft, pangarap niyang makapaglaro sa PBA.
“My goal in life has always been to make the NBA and playing professionally in the Philippines is just one step closer,” sabi ni Scherer, produkto ng Shoreline Community College.
Ang mga players ay kailangang maglaro ng dalawang komperensya sa D-League para mapasama sa PBA Rookie Draft.
Ang third pick ay pagmamay-ari ng Tanduay Light na susundan ng Foundation Cup champion na Café France at Wangs Basketball.
Idedetermina sa hanay ng UP-QRS/Jam Liner, Mindanao Aguilas, National University at Phoenix Petrolium ang kukuha sa sixth hanggang ninth place sa pamamagitan ng lottery.
“This is a huge pool. Certainly, this is an encouraging development for the league and basketball in general,” sabi ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
“Who knows, maybe this batch could lead to new discoveries for future Gilas pools,” dagdag pa nito.
Ang iba pang maaaring makuha sa first round ay sina Von Rolfe Pessumal ng Ateneo, Julian Sargent ng De La Salle at Fil-Canadian Taylor Witherell.