Lady Eagles tinakasan ang Lady Warriors

MANILA, Philippines – Tinalo ng Ateneo ang University of the East, 65-62, para umabante sa ikalawang step-ladder se­mi­finals ng 78th UAAP wo­men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naipanalo ang ka­nilang ikalawang do-or-die game, lalabanan ng La­dy Eagles ang karibal na La Salle Lady Archers na may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage sa panga­lawang step-ladder semis sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Umiskor si Danica Jo­se ng dalawang free throws sa huling 5.3 se­gun­do para sa panalo ng Lady Eagles.

Ang semifinals survivor ang maghahamon sa nag­dedepensang National University sa title series.

Tangan ng Lady Bull­dogs, nagtala ng 30-0 rcord simula noong na­karaang season, ng ‘thrice-to-beat’ advantage sa UAAP Finals.

Naglista si Jose, anak ni dating PBA shooter Bob­by Jose, ng 17 points, 8 rebounds at 4 assists, habang humugot si Hazelle Yam ng 13 sa kanyang 17 points sa first half para sa panalo ng Ateneo.

ATENEO 65 – Jose 17, Yam 17, Guytingco 10, Tomita 10, Go 7, Buendia 2, Nitorreda 2, Aseron 0, Deacon 0, Javier 0, Lamar 0.

UE 62 – Tacula 17, Sto. Domingo 16, Ano-os 11, Men­dina 8, Chan 7, Ta­guiam 3, Francisco 0, Ramos 0, Sampaga 0.

Quarterscores: 21-16; 35-29; 53-50; 65-62.

Show comments