PLDT sinikwat ang ikalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa semis

MANILA, Philippines – Sa likod ng magandang laro nina American imports Victoria Hurtt at Sareea Freemen, inangkin ng PLDT Home Ultera ang ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Con­fe­rence.

Tinalo ng Ultrafast La­dy Spikers ang Kia For­te Lady Spikers, 25-12, 25-12, 23-25, 25-21, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Hurtt ng 21 hits, habang may 15 si Freeman para sa ikaapat na panalo ng PLDT sa limang laro pa­ra tapusin ang elimina­tion round bilang No. 2 seed.

Samantala, makaka­mit naman ng Army, may 4-0 kartada, ang top seeding sa Final Four anuman ang ma­ging resulta ng kanilang laro kontra sa Universi­ty of the Philippines.

Dahil sa pagkakaro­on ng ‘twice-to-beat’ ad­­vantage sa Final Four ay kailangan lamang ng Lady Troopers at Ul­tra­fast Lady Spikers na manalo ng isa laban sa Navy Lady Sailors o Lady Maroons para ma­­kaabante sa best-of-three championship sa Nob­yembre 28.

Ang panalo ng PLDT ang nagbigay ng semis berth sa Navy at UP ka­sabay ng pagsibak sa Kia.

Kaagad na umatake si Hurtt, isang outside spi­ker mula sa Iowa State, at ang 6-foot-4 na si Freeman buhat sa Florida State para sa opesa ng Ultrafast Lady Spikers at rapiduhin ang Lady Spikers.

Naisuko naman ng PLDT ang third set sa Kia bago muling nagbida sina Freeman at Hurtt patungo sa kanilang panalo.

Show comments