MINNEAPOLIS – Muling nanalasa si Stephen Curry at kumamada ng 46-puntos, 21 nito sa unang quarter para isulong sa 10-0 ang Golden State bu-nga ng 129-116 panalo kontra sa Minnesota Timberwolves nitong Huwebes ng gabi.
Nagtala si Curry ng 15-of-25 shots, kabilang ang 8-of-13 3-pointers, sa isa na namang eksplosibong performance.
Tumapos si Draymond Green ng 23 points, 12 assists at eight rebounds para sa Warriors na naging ikaapat na defending champion na sinimulan ng season na may 10-sunod na panalo.
“When you get up on him, he just shoots the ball from farther,” sabi ni Timberwolves forward Shabazz Muhammad na umiskor ng 16 points. “It looked like he was shooting it from dang near halfcourt.”
Nagtala naman si Karl-Anthony Towns ng 17 points at 11 rebounds at umiskor si Andrew Wiggins ng 19 points para sa Timberwolves (4-4) na natalo sa lahat ng kanilang apat na home games ngayong season.
Hindi uli nakalaro si Ricky Rubio sa ikala-wang sunod na pagkaka-taon dahil sa napuwersang kaliwang hamstring.
Ang Warriors ay may 18-for-38 mula sa 3-point range habang ang Minnesota ay 3-for-9 lamang.
Sa Miami, pinangunahan naman ni Chris Bosh ang Heat sa pagkamada ng 25 points at tinapos ni Tyler Johnson ang kanyang 17-point performance sa pamamagitan ng key field goals sa final 1:48 minutes ng laro nang igupo ng Miami ang the Utah Jazz, 92-91.
Sa Phoenix, pinanta-yan ni Brandon Knight ang kanyang career high na 37 points at kinapos naman ng isang assists si Eric Bledsoe para sa kanyang ikalawang career triple-double sana nang igupo ng Suns ang kulang na kulang sa taong Clippers 118-104.