^

PM Sports

NU nakalapit sa finals ng women’s basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng nagdedepensang National University para masikwat ang outright Finals berth sa UAAP Season 78 wo-men’s basketball tournament.

Ito ay matapos talunin ng Lady Bulldogs ang sibak nang Far Eastern University Lady Tamaraws, 71-57 sa Blue Eagle gym noong Linggo.

Pumukol si Shelley Gupilan ng 18 sa kanyang 20 points sa three-point line, habang nagdagdag si Trixie Antiquiera ng 15 markers para sa matayog na 12-0 record ng Lady Bulldogs.

Sa kabuuan ay naipanalo ng NU ang kanilang 28 sunod na laro simula noong nakaraang season.

Dumiretso naman ang De La Salle Lady Archers sa kanilang ika-11 dikit na panalo nang kunin ang 78-53 tagumpay laban sa University of the Philippines Lady Maroons, napigilan ang four-game winning run.

Nagtala si Ara Abaca ng 15 points, 8 assists at 7 rebounds at umiskor din si Camille Claro ng 15 points para sa Lady Archers, nakatiyak na ng ‘twice-to-beat’ bonus alinman sa Final Four o step-ladder semis format.

Humugot naman  si Jollina Go ng 16 sa kanyang 28 points sa first half para tulungan ang Ateneo Lady Eagles sa 66-62 panalo laban sa University of the East Lady Warriors at palakasin ang kanilang tsansa sa Final Four.

Tumipa rin si Princess Cochico ng 24 points, 9 rebounds at 8 assists para ihatid ang Adamson Lady Falcons sa 75-71 pananaig sa University of Santo Tomas Tigresses. Tinapos ng Lady Falcons ang kanilang eight-game losing skid.

Kinuha ng Lady Eagles ang 5-7 marka para makatabla ang Lady Warriors at Tigresses kasunod ang Lady Falcons na may 4-8 baraha kadikit ang Lady Maroons.

ADAMSON LADY FALCONS

ANG

ARA ABACA

ATENEO LADY EAGLES

BLUE EAGLE

CAMILLE CLARO

DE LA SALLE LADY ARCHERS

FINAL FOUR

LADY

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with