Green Archers bumandera sa senior’s division

MANILA, Philippines - Nagpasikat ang La Salle sa labanan para sa overall championship sa 78th UAAP seniors’ division.

Limang event na ang natapos sa larangan ng beach volleyball, swimming, table tennis, badminton at taekwondo at ang Archers ay nakali­kom na ng kabuuang 121 puntos.

Sinasandalan ng La Salle ang sweep sa table tennis at panalo sa women’s beach volley­ball.

Pumangalawa ang  ka­nilang men’s swimming at badminton, ha­bang pumangatlo sila sa men’s, women’s at co­ed sa taek­wondo at sa wo­men’s swimming.

Ang nagdedepensang overall champion na UST ang nasa ikala­wang puwesto taglay ang 110 puntos kasunod ang Ateneo (95 puntos).

Kampeon ang UST sa men’s sparring at poomsae sa taekwondo.

 

Show comments