^

PM Sports

Heat bumangon para talunin ang Rockets

Pang-masa

MIAMI -- Hindi naglaro si Udonis Haslem ng kahit isang segundo para sa Miami Heat.

Ngunit nagdomina siya sa locker room sa halftime.

Naging matulis ang sermon ni Haslem bilang team captain bukod pa sa pagsipa niya ng mga bote sa ka­ni­lang pulang locker room.

Sapat na ito para bumangon ang Heat mula sa 21-point deficit sa third period at kunin ang 109-89 panalo laban sa Houston Rockets.

“Absolutely awesome,” sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra sa nasabing speech ni Haslem. “That’s what leaders do. By the time I got in there, he was already halfway through it and there wasn’t much that was needed to be said after that.”

Iniwanan ng Houston ang Mia­­mi, 44-65 sa kaagahan ng se­cond half.

Ngunit bumalikwas ang Heat at umiskor ng 65 pun­tos kumpara sa 24 ng Rockets.

“At times, I can be kind of harsh,” ani Haslem. “But it’s harsh reality ... and it just comes out the way it comes out.”

Kumolekta si center Hassan Whiteside ng 25 points at 15 rebounds, habang nagdagdag si Dwyane Wade ng 20 points kasunod ang 14 ni Luol Deng para sa Mia­mi, nauna nang nakabalik mula sa 27-point de­ficit para talunin ang Cleveland Cavaliers noong 2012-13 championship season.

Nagdagdag si Tyler Johnson ng 11 mar­kers kasunod ang tig-10 nina Chris Bosh at Justise Winslow.

Pinamunuan naman ni Marcus Thornton ang Rockets sa kanyang 21 points, habang may 16 si James Harden mu­la sa malamyang 2-for-15 fieldgoal shooting.

“You can’t have a stagnant offense and not get stops,” sabi ni Harden. “That’s a sign of disas­ter, which happened in the se­cond half.”

Muling ipinahinga ng Rockets si center Dwight Howard ngunit makikita sa aksyon laban sa Oklahoma City Thunder sa Lunes.

Sa Oklahoma City, umiskor si Ke­vin Durant ng 25 points para tu­lungan ang Thunder sa 117-93 pag­giba sa Denver Nuggets.

Nagsalpak si Durant ng 8-of-11 fieldgoal shooting kasama ang 6-of-6 clip sa free throw line para ibigay sa bagong coach na si Billy Donovan ang 3-0 record.

Naipanalo ng Thunder ang ka­nilang unang tatlong laro sa unang pagkakataon matapos no­ong 2011-12 season.

Tumipa si Serge Iba­ka ng 18 points, 7 re­bounds at 5 blocks, ha­bang kumo­lekta si Westbrook ng 15 points at 9 re­­bounds.

ACIRC

ANG

BILLY DONOVAN

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUGGETS

DWIGHT HOWARD

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

HASLEM

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with