LOS ANGELES – Nagtala si Blake Griffin ng 26 points at 10 rebounds at nagdagdag si Jamal Crawford ng 15 points sa 104-88 panalo ng Clippers kontra sa Dallas.
Tumapos si DeAndre Jordan ng 6-points, 15 rebounds at 4 blocks sa kanyang unang laro laban sa Mave-ricks matapos siyang magka-issue sa Dallas nitong summer.’
Naunang nakipagkasundo si Jordan sa Mavs bilang free agent ngunit hinabol siya ng Lakers sa Houston para kumbinsihing bumalik ito sa team na ikinagalit ni Dallas owner Mark Cuban pati na ng mga fans.
Umiskor si Austin Rivers ng 14 points para sa Clippers na kumawala sa second half sa pamamagitan ng impresibong bench performance.
Kumamada naman si Dirk Nowitz-ki ng 16 points para sa Mavericks na wala ang mga may injury na starting guards na sina Deron Williams at Wesley Matthews.
Sa Indianapolis, umiskor si Marc Gasol ng 20 points at nagdagdag si Mike Conley ng 13 points at 10 assists sa kanyang pagbabalik upang tulungan ang Memphis Grizzlies sa paghahabol tungo sa 112-103 panalo kontra sa Indiana.
Ang Grizzlies (1-1) ay may pitong players na naka-double figures at tinapos nila ang laro sa pamamagitan ng 18-7 run sa huling 3:49 minuto ng labanan.
Tumapos si George Hill ng 20 points para sa Pacers habang sina Paul George at C.J. Miles ay may tig-18.
Sa New York, humakot si Jeff Teague ng 23 points, nagdagdag si Al Horford ng 21 at tinalo ng Atlanta ang New York, 112-101 para sa kanilang buwenamanong panalo ngayong season.
Tumapos si Kyle Korver ng 15 points at nagdagdag si Paul Millsap ng 11 points at 11 rebounds para sa Atlanta.
Umiskor naman si Carmelo Anthony ng 25 points mula sa kanyang 10-of-27 field goal shooting para sa New York habang si Robin Lopez ay tumapos na may 18 points.