Trial race para sa PCSO Special Maiden Race
MANILA, Philippines – Itatakbo ngayong gabi ang trial race para sa mga kabayong magsisisali sa PCSO Special Mai-den Race sa susunod na buwan.
Sa bakuran ng Metro Turf sa Malvar, Batangas gagawin ito at 11 kabayo ang kasali rito.
Sa bilang na ito ay anim ang fillies at lima ang colts at ang magwawagi ay siyang mapapaboran para sa Maiden Race na gagawin sa Nobyembre 14 sa nasabing racing club.
Ang mga kasaling fillies ay ang Dance Again (Pat Dilema), Queen Cheetah (JB Cordova), Guatemale (RO Niu Jr.), Tagapagmana (AB Alcasid Jr.), My Destiny (JB Hernandez) at Eagle One (KB Abobo) habang ang mga colts ay Love Hate (CV Garganta), Johnny Be Good (JA Guce), Show The Cash (JB Bacaycay), Nothing But DTruth (EP Nahilat) at Absoluteresistance (JB Guce).
Sa 1,400m ang trial race pero ang aktuwal na karera ay nasa 1,200m lamang.
Sinahugan ang Special Maiden Race ng Phi-lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P1 milyon premyo na hinati sa apat na darating at ang kampeon ay may P600,000.00 gantimpala habang ang breeder ay may P50,000.00 gantimpala.
Ang papangalawa ay mayroong P225,000.00, ang papangatlo ay may P125,000.00 at P50,000.00 ang papang-apat.
Samantala, pasisiglahin ang paglipat sa San La-zaro Leisure Park bukas sa paglarga ng PCSO Mai-den race na lalahukan ng walong kabayo. Ang mga maglalaban-laban ay ang Guantanamera (KB Abobo), Mahayana Budur (JB Guce), Yes Kitty (P Dilema), Ellie’s Charm (V Dilema), Purging Line (MA Alvarez), Striking Colors (JB Cordova), Mt. Rainier (JA Guce) at Yong Yong (JB Hernandez).
- Latest