SACRAMENTO, Calif. -- Sa pagkakalagay ng laro sa krusyal na sandali sa huling mga minuto, ginawa ni Paul Pierce ang inaasahan sa kanya ng Los Angeles Clippers.
Ang jumper ni Pierce ang sumelyo sa 111-104 panalo ng Clippers laban sa Sacramento Kings sa kanilang unang laro.
“That’s what he’s here for,’’ sabi ni point guard Chris Paul. “When you put me and Paul in that one-three pick and roll they have to make a choice. If you switch, you have a smaller guy on Paul. What are you going to do?’’
Walang nagawa ang Kings nang atrasan ni Pierce ang mas maliit na si Rajon Rondo para sa kanyang basket sa huling 2:20 minuto na nagbigay sa Clippers ng 102-100 abante at nalampasan ang paghahabol ng Kings.
“This group has been together for some years, they have a good understanding of one another,’’ sabi ni Pierce. “I’m just trying to fit in and play with that group down the stretch.’’
Kumamada si Blake Griffin ng 33 points at nagdagdag si Paul ng 18 points at 11 assists.
Sinayang ng Clippers ang itinayong 15-point lead bago natakasan ang Kings sa dulo ng fourth quarter sa likod ni Pierce.
Umiskor si DeMarcus Cousins ng 32 points at humakot ng 13 rebounds sa pinakahuling season opener ng Sacramento sa Sleep Train Arena bago lumipat sa bago nilang downtown home sa susunod na season.
Natawagan ang Kings ng 12 sa kanilang 18 turnovers sa first half hanggang makalapit sa Clippers sa fourth quarter.
“At first we played terrible,’’ ani Cousins. “The turnovers killed us, especially on my end. We could have done a better job sharing the ball. But that being said, we had a great chance of winning the ballgame.’’
Kinuha ng Clippers ang 89-76 abante nang matawagan si DeAndre Jordan ng pang-limang foul.
Sinamantala ito ni Cousins para umiskor sa shaded lane, habang kumonekta ng back-to-back 3-pointers sina Marco Belinelli at Darren Collison para ilapit ang Sacramento sa Los Angeles sa 88-92.